Thursday, May 26, 2011

thick ng face

Don't DO unto OTHERs what you don't want others to
DO unto YOU 
diba golden rule yan
iinterpret mo nga


nahirapan ka noh bakit tinamaan ka?


mabait ako sa kaibigan ko
kung sino kaaway nya kaaway ko din
kung sino manloko sa kanya makakarinig ng masama sakin
ganon lang naman yun e


pag hinayaan ka ng isang tao na mag abroad lalo na kapag asawa mo ibig sabihin sobra sobra ang tiwala nya sayo.


para sa kanya napakahirap nun kelangan lunukin ang pride kase sabi mo nga para sa pamilya nyo. Kahit gustuhin nyang pigilan ka minabuti na lang nyang manahimik yan ang pangarap mo e.




umalis ka naiwan silang mag ama, nakita ko syang nasasaktan may  alam kaba?






inubos na lang nya ang oras nya sa trabaho alam mo ba kung anong oras na sya umuuwi at pagkauwi sa DS naman pagkakaabalahan para maubos lang ang oras nya ng hindi ka maalala.

nabalitaan ko sa kanya na uuwi ka tuwang tuwang sya matagal pa lang pinaghahandaan na nya, ang dami dami nyang plano pati tuloy kami naeexcite.





tapos nalaman kona lang nandyan kana pala. Parang wala yata ako nabalitaan anong nangyari nasan na ang excited na abu.
pagdating mo pa lang daw parang malamig na parang hindi na tulad ng dati,lagi pa mainit ulo " bakit nadala mo ba ang init ng uae sa pinas".


 
palagi mo inaaway walang dahilan (teka may mali ata).




sinabihan ko sya na uyusin nyo ang problema.


pero pano nga aayusin ang problema kung hindi alam ang dahilan(oo nga naman may point sya).


Ng  sunod ako makabalita maghihiwalay na daw agad. WAIT ang bilis naman yata ano ba muna ang problema?


confirmed..
ang alin?
ayoko na
bakit?


may iba sya
ANO!!!!!


may picture na may text pa, (ano ka nanadya?) plano mo ba talaga yan? ang tindi mo day umuwi kapa talaga ha.




kumukulo ang dugo ko.


         Para sabihin ko sayo hindi kana dalaga para mag-asal dalaga ha may asawa kana may anak kapa

UMAYOS KA HA!!!..

at kung ako magaadvice sa kanya magandang i-advice wag kana balikan wala na din naman mangyayari e sira na ang trust ang galing mo kase..

sana nag isip ka muna bago gumawa ng kalokohan

SAYANG lang.


dedicated for abu..

 

Wednesday, May 18, 2011

im sorry

Noon ang simple lang ng buhay walang responsibilidad.


Gigising sa umaga maliligo














                                                                papasok sa trabaho.


 Masaya kami ng mga kaibigan ko sa trabaho para lang kaming naglalaro palibhasa magkakaedad lang kmi.
Minsan nga pinaglalayo na kami kase sumusobra na sa kulitan, at pag dating ng

alas kuwatro ng hapon unti unti na kami nawawala kanya kanya na kami ng takas. magkikita kita na lang kami sa mall sa





 MCDO specific na lugar, at dun lang mauubos ang oras namin sa walang sawang kwentuhan ulet ng kung ano ano. walang pakelam kung anong oras na palibhasa kaming dalawa lang kapatid ko noon sa bahay. malimit din syang wala sa bahay kaya patas lang kami.







Tuwing sweldo ang iniisip ko lang kung ano ang bibilhin mabilis ako magbitaw ng pera yun ako.

Nagbago lang ang lahat ng magkapamilya na ko. madami ang nagulat




OO nagulat talaga. meron din tumaas ang kilay, nakaintindi, nanghusga at syempre hndi mawawala ang sobrang galit ng mga magulang ko at sang katerbang SERMON. . 



                           
                           Tangap ko pagkakamali ko may karapatan sila magalit (magulang ko lang hindi kasama ang mga epal) nakaramdam kase ako ng pangungulila pakiramdam ko magisa  lang ako





si JP ang laging nandyan kaya ayun naisipan naming maglaro ng taguan hahahaha. para akong sira dati hindi ko alam gagawin ko, sabi ko noon dalayed lang ako aba mag two weeks na wala pa din pinipilit ako bumili ng pregnancy test ng mga kaibigan pero ayoko sabi ko wala yun pero ang totoo natatakot ako.

dahil hindi nila ako mapilit sila na ang bumili take note lalake pa ang bumili. tinuruan nya ako kung ano ang gagawin, nagtaka ako bakit nya alam gustuhin ko man alamin pero wag na lang ako ang topic dito. Gumising ako ng maaga tulog pa sina papa kabado ako nung nagawa kona "ayan na" unti unti ng ngkakaguhit, napangiti ako isang linya lang pero may isang lumalabas pero malabo. Natawa pa din ako akala negative kase malabo naman e.  Pag pasok ko sa opisina aba nakaabang sakin ang mga mokong ak naman masaya, a

agad silang naglapitan sa table ko titatanong nila ang resulta sabi ko "wala negative naman" ayaw nila maniwala gusto daw nila makita. puro mga lalake kaibigan ko ha take note sila pa yung makukulit. pinakita ko na sa kanila nagulat ako sa narinig ko      


"TANGA KA JAKE"


anong negative e ayan ko dalawang linya positive yan O. nangatwiran pa ako ha sabi ko " e ang labo kaya nyan" pero nung sinabi nyang positive parang ngdilim paningin ko para ako nakalutang ang tumakbo lang sa ulo "LAGOT". sumatotal napagalitan, kinasal kami ni JP sept 18 2008, naglihi, dinalaw ng mumu naku ayoko ng balikan yun,  at nanganak.








February 26,2009 pinanganak ko si JAIME MATEO DELOESTE BAYRON, sabi ko sa sarili ko hindi na ako uulit dahil sobrang hirap at sakit ganon pala yun. nung una ko syang mahawakan parang n
 nawala lahat ng takot hndi ako nagdalawang isip ng hawakan sya parang sa sarili ko alam na alam kona gagawin ko. naiyak ako habang pinagmamasdan ko sya ang liit liit, ang galing naman nagawa ko din makakatuwa ang maliit nyang daliri, ang likod nya ang balbon (hehe binuklat noh). kahit na CS ako pinilit kong bumangon ngugutom na daw ang anak ko kelangan nya ako. doon ko naramdaman ang isang pagiging ina ang sarap pala. sa tulong ng asawa ko malampasan namin yun. masaya kaming magasawa sobrang ganda ng blessing namin.


         two weeks akong pinahirapan ng katawan ko, sa sobrang pagod halos hindi na ako makatayo nabugbog ang katawan ko nahirapan sila ilabas si mat dahil nakasiksik na sya sa tagiliran ko.

          halos umiiyak ako makabangon lang dahil iyak na sya ng iyak wala ako magawa kundi pilitin bumangon sa abot ng makakaya ko.




 nakakatuwa syang pagmasdan araw araw nakikita ko ang pagbabago nya unti unti na syang tumataba, pero parang palakas ng palakas ang iyak nya kahit kapitbahay ngatatanong na.


     tuwing gabi kaming mag ina lang ang nasa kuwarto may trabaho si jp noon, bago ako matulog nakahanda na lahat ng kailangan nya. gatas,tubig, diaper, extrang damit, at masenilya ( salamat sau ang laking tulong mo) para pag nagising sya handa na ako.

        Mababaw ang tulog ni mat konting ingay lang ay gising na sya, napansin ko na pag natutulog sya sa ibabaw namin kahit anong ingay hindi sya nagigising, ganun ang naging routine namin sa dibdib ko sya natutulog. Bago ako makatulog hinahanda kona hihigaan ko, nakapalibot na sa akin ang mga unan para kung sakali mapahimbing ako ligtas pa din sya.


habang lumalaki sya lumalaki din ang gastos, dumating sA point na kulang na ang swledo naming magasawa. Tuwing dadating ang sahod uunahin ang pangangailangan ni mat bago ang amin, hayaan ng magipit kami wag lang si mat hindi namin kakayanin un. responsibilidad namin na ibigay pangangailangan nya.




 at dito na pala papasok ang
GANON PALA kapag nag kaanak kana

-uunahin mona ang anak mo kesa sa luho mo

-kung dati bahay-trabaho-gala ngaun bahay-trabaho-bahay

-kung dati puro gastos sa shopping ngaun diaper and gatas na

-kung dati gala kung san saan ngaun pa schedule for check up sa pedia, vaccination and paarawan every morning.

-kung dati MCDO kasama ang barkada ngaun MCDO with    FAMILY na.

  
    pero kahit gipit kami pinangako ko sa sarili na magkakaron sya ng magandang birthday party , sa mcdo namin cinelebrate ang birthday nya. kung para sa iba gastos lang sa akin importante yun first birthday yun ng unang anak ko.














  15 months na si mat nung matuto sya mag lakad medyo late na nga, kasalanan pa ata ng stroller nya lalo lang sya tinamad maglakad.



 
Month ng June aalis ako papuntang UAE
biglaan nga kahit sa trabaho hindi ako masyadong nakapagpaalam, "sorry sa naiwan kong trabaho hehehehe".

       Pero bago ako umalis naalala kopa yung mga ginagawa ni mat, hindi ko alam kung alam nya na aalis ako dahil sobra syang umiyak pag papasok na ako sa trabaho, tapos pagbalik ko makita pa lang nya ako iiyak na uli tatakbo na sya palapit sakin na parang nagsusumbong. Hangang pumasok ako ng kuwarto hindi sya nabitaw sa binti ko.  :(  Minsan sinasabihan ko sya na wag iiyak na doon sya kay mama. Gusto ko sya masanay na hindi nakadikit sakin para pag umalis ako hindi sya iiyak at hahabol hindi naman sa tinataboy ko sya. Alam ko ang tanga tanga ko yun yung namimiss ko ngaun sayang ang pagkakataon na yun.


     Sa araw ng pag alis ko napansin ko kahit si mat parang malungkot hindi sya maliksi alam kaya nya (oo hindi ko sinabi sa kanya na aalis na ako) akala ko kaya ko akala ko matapang ako, Hindi ako umiiyak nung karga ko sya pero sa totoo lang ang bigat bigat na ng loob ko, dinala ko sya sa sasakyan ng tita ko. Sila na ang magaalaga kay mat, nilibang ko sya at habang wala na sa akin ang attention nya ay unti unti na ako umalis. Naririnig ko boses nya noong niyakap na ako ng tita ko doon na bumuhos ang luha ko hindi kona napigilan pinipilit kong punasan ang luha ko pero kusa na itong tumutulo.

tumakbo ako palayo papunta sa sasakyan namin at hindi na lumingon kahit kapitbahay namin hindi ko man lang nakapag paalam. (Kahit ngaun habang ginagawa ko ito ay umiiyak pa din ako.)

     Habang nasa byahe kami sinasabi sa akin ng tita ko kung ano gingawa nya hindi pa daw ako hinahanap kaya kampante pa ako hangang makarating ako dito sa UAE. Sa sobrang pagod nagpahinga muna kami, pero bago ako matulog kinuha ko muna ang damit ni mat. "oo ang huling suot na damit ni mat" dinala ko iyon para maamoy ko sya at ng milk nya.   

     Halos madurog ako sa sobrang sakit umiiyak ako ng walang tunog dahil ayoko marinig nila ako. Ang hirap isipin na kelan lang kasama ko sya nahahawakan ngaun damit na lang nya inaamoy ko halos nakatulog na ko sa kakaiyak.

    Gumawa ako ng paraan para makibalita sa kanila, ok naman daw sya pero malungkot,lagi daw syang nakatingin sa bintana parang may hihintay. Noong marinig kopa lang iyon ay umiyak na ako ng umiyak nagagalit ako sa sarili ko ano ba ang ginawa ko  bakit hindi ako nagpaalam sa kanya, ang sakit para sakin na malaman na nagkakaganon sya ngaun.

     Naawa ako sa kanya nagagalit ako sa sarili ko. Walang araw na hindi ako umiyak kaya mat sana wag ka magagalit kay nanay ha akala ko yun ang tamang gawin pero hindi pala sorry. Wag ka mag-alala hindi ka nawala sa isip ko tuwing pupunta kami ni tatay sa mall kaw naaalala namin alam namin matutuwa ka sa mga playgrounds dito, tataba ka din tulad namin kase masarap mga pagkain dito. Minsan nga habang kumakain kami ni tatay bigla na lang ako umiiyak kase nakakakita ako ng bata na kasing edad mo, nalulungkot ako anak naalala kita.

Bakit ngaun ko lang naramdaman yung panghihinayang dati araw araw kita kasama. Namimiss kita totoo at nahihirapan ako ng sobra sana pagbalik malambing kapa din sa akin ha. Mahal kita.



im sorry anak..